Nagkakilala kami ni Thags sa isang Facebook page. Nagka-chat, nagkakuhaan ng number at hanggang sa naging kami nang hindi pa nagkikita ng personal. Sa akin noon, wala naman kasi akong balak na pumasok sa seryosong relasyon dahil masakit pa sa akin ‘yung past ko, kumbaga, naghahanap lang talaga ako ng rebound at alam ni Thags ‘yun. Parang trip-trip lang ‘to na tulungan ‘yung isa’t isa na maka-get over kasi siya din nu’n ei galing sa break-up.
Dumating ‘yung time na gusto niya nang makipagkita. Ako naman, dahil mukha siyang interesting na tao at nagja-jive ‘yung mga gusto namin sa buhay – mula music, pagkain hanggang sa political views, eh sige, go na din Akala ko magiging awkward kasi first time magkikita tapos may relasyon na, pero hindi pala! Hehe. Hindi ko kayang maipaliwanag pero me’ron agad certain feeling ng pagiging komportable sa isa’t isa. Parang kung paano kami mag-usap at magbiruan sa text, ganu’n din. Except na ‘eto, kaharap ko na siya.
Dumaan ang mga taon - 1st, 2nd, 3rd, 4th year anniversary. Wala naming nagbabago sa amin –basta lagi lang masaya, petty lang ‘yung mga tampuhan at madaling nare-resolve, para lang mga bata na laging nagkukulitan at nagtatawanan kahit sa maliliit na bagay. Parehas kasi kaming mababaw lang ang kaligayahan. Though, marami kaming struggles noon tulad ng nawalan kami ng trabaho. Tapos nag-negosyo kami ng accessories-making na itinitinda namin sa mga kamag-anak. Para makatipid, nilalakad lang namin noon mula Quiapo (doon kasi angaktan ng materyales) hanggang Malate kapag inihahatid niya ako sa amin. May side trip na pasyal sa Luneta at palamig sa aircon ng Robinson’s Ermita. Tapos street foods na lang ang meryenda, minsan nga, samalamig na lang. Hehe. Pero masaya pa din kami nu’n at hindi naming masyado naiisip na ang hirap-hirap na.
Hanggang sa unti-unting nagkaroon ng liwanag ang buhay. Naks! Parang Meralco lang. Haha! :D Natanggap ako sa Government Service at after ilang months, nagkaroon na rin siya ng isang stable job sa isang laboratory clinic. Nakakapag-ipon na kami nito, tapos travel, saka nasusuportahan na namin ‘yung mga pamilya namin. Solve na. Salamat sa Diyos.
Dumating ang year 2016, nagsabi na siya ng intention na gusto na niya akong pakasalan. This is it, pancit! Naganap ang kasalan noong Dec. 04, 2016 – 5 years and a month namin bilang magkasintahan. At gaya pa rin noon – ipon at travel. Kaya nang matuklasan namin itong Isla Verde – aba, go na kami agad. Hehe. Sana din makabalik kami dito at makapag-stay pa ng mas matagal na time.
The way to the beach...
Sunsets...